App Download Via Link?
June 22, 2026
Courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
#BSPSecuriTips: Nakatanggap ng link para mag-download ng app? Mag-ingat!
✔ Huwag mag-click ng kahina-hinalang links. Kasama dito ang mga link na nagpapa-download ng apps mula sa unofficial sources.
✔ Download apps only from official app stores.
Babala lalo na sa mga Android users dahil sa tinatawag na APK (Android Package Kit) scam. Sa scam na ito, maaaring malinlang ang users na mag-download at mag-install ng apps mula sa unofficial sources. Gayunpaman, dapat ding maging mapagmatyag ang iOS users laban sa mga kahina-hinalang links at app downloads.
Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼
COMMENTS:
Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin itong directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx
Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:
- DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center: https://cicc.gov.ph/report o hotline 1326
- PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: https://acg.pnp.gov.ph/?page_id=67
Kung sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
- Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
- I-click ang BOB icon sa BSP mobile app. I-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices (https://play.google.com/store/apps/details?id=bsp.gov.ph.mobile.bsp_mobile&hl=en&pli=1) o sa App Store para sa Apple devices (https://apps.apple.com/ph/app/bsp-mobile/id6738836335)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM
