HomeAnnouncementsMali Ang Grammar At Spelling

Mali ang Grammar at Spelling? Baka Scam 'Yan.

July 06, 2026

Courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

#BSPSecuriTips: May message o e-mail na maraming mali sa grammar o spelling? Mag-ingat. Karaniwang senyales ito ng scam messages na naglalayong makuha ang inyong personal o financial information.
✔ I-check mabuti ang mensahe at kung sino ang nagpadala
✔ Mag-ingat sa urgent o kahina-hinalang requests
✔ Huwag mag-click ng links o magbigay ng impormasyon

Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼
 



COMMENTS:

Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin itong directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx

Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:

Kung sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
  3. I-click ang BOB icon sa BSP mobile app. I-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices (https://play.google.com/store/apps/details?id=bsp.gov.ph.mobile.bsp_mobile&hl=en&pli=1) o sa App Store para sa Apple devices (https://apps.apple.com/ph/app/bsp-mobile/id6738836335)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM